Tuesday, March 24, 2009

a poem written in 1970

Remembering….what’s behind every essence of remembering; what’s there in a crumpled leaf of souvenirs and memories while reminiscing every eventual moments, from the special ones to the little ones, the wonderful moments of togetherness, the sound of the heart throbbing for closeness, sharing each dreams, big and small, the easy ones and even the impossible….

The Impossible….how could there be, when the love that beholds us vowed to surpass even death. is our love not enough to make impossible a meaningless word in our conquest of life together….

Together….but where are you when i walked the storm. why can’t i find your hand in the heavy blowing of the cruel wind, in the cold night of despair. have you gone into some other hands, into some other shelter and left me alone to walk in the rain….

Rain….how many times have we walked through the rain together. how many times have we guaffed our thirst of longing by holding closer under the rhythmic falling of the rain. “to every life some rain must fall..” how true, rain has been an eventual wisher in our every meeting; a reminder in forgetting. it has been an inspiration of my every letter, as it brings your name into my ears i could write a thousand notes. but there is one kind of rain that crushed my heart whenever i saw it behold you when you’re that close to me. the rain that goes with you before you sleep, bearing the unbearable. if i could only choose the kind of rain that will fall into our life, we shall have no bitter drops of rain. even then, there is no rain which i don’t remember you….

You….what i mean of everything is what i mean of you. there is no happy moment in my life which i don’t think of you, there is no alive memory in my mind which i don’t remember you. you’re what brings me to sleep, fills my dreams and the reason of my waking every morning. you inspired my ambitions, encourages my will, enliven my endeavors, cherishes my hopes. if there will be a thousand woman in my life, i want them all to be a replica of you. for it is you who made my life livelier, meaningful. it is you who captured the whole of me. it is you i love….

Love….is what brings us together, it’s what makes us near while apart and much closer while near. it is the difference of my holding your hands and by somebody else. it is the warm feeling that my arms bring over your shoulder. it is the sparkle i see in your eyes, the joy in your honest laughter, it is the loneliness while missing, the joy in every meeting. it is what grows in our hearts as day passes and becomes yesterdays. it is what fills our tomorrow.

Tomorrow….will it always be the same. how many times have you shown me that tomorrows can never be the same, that what is new today can change. yes, nobody can foretell what tomorrow shall be, but is it enough to deny a love that is burning yesterday, and still is ardent today. is it fair to deprive what love is today in making its own tomorrow. who are we to say that today has ended, that this love is not enough when we could still feel the heat of its flame that used to warm our heart yesterday, the other yesterdays and the other more. can we stop tomorrow. tomorrow has its ways, as long as you feel that warmness in your heart. if thinking of the coming tomorrow gives you pain and troubles your mind, then remember how a thousand tomorrows have passed and we’re not part of your yesterday….

Yesterday….if there is one thing which we owe everything, it is yesterday. it is where we made the history of our love from the very beginning. it is where we sang our song, dreamed our future. planned our tomorrow, shared our idiosyncrasies, pampered our whims. it is where we curved our story beyond forgetting. it is where we have our memories to remember…..

Remembering….what’s behind every essence of remembering…..

(written by my husband Willy in the ‘70’s)

Thursday, March 12, 2009

story of my life - (for my eyes only)

taong 1949, setyembre 21, nang isilang ako sa bayan ng lopez, lalawigan ng quezon. pangalawa ako sa pitong magkakapatid, apat na babae at tatlong lalaki. mayroon pa pala akong panganay na kapatid na namatay noong dalawang taon palamang siya sa sakit na pulmonya. dalawang beses nakunan ang nanay ko, kaya kung buhay lahat, 10 kaming magkakapatid.

noong maliliit pa kami  tumira kami sa tagkawayan, quezon dahil doon nagtatrabaho ang tatay ko na isang mekaniko. wala na akong gaanong matandaan sa aking kamusmusan. ang naaalala ko lamang ay noong mula sa tagkawayan ay isinasama ako ni lelang sakay ng tren na pumupunta sa lopez. si lelang ay nanay ng nanay ko, ang asawa niya ay isang notaryo publiko. noong araw, kapag notaryo publiko ka ay para ka na ring abugado (sa tingin ko). ang dami kasing nagpupunta sa bahay namin. may mga inaasikasong kung anu-ano. meron siyang upisina at may makinilya at mga papeles na nakapatong sa mesa.

maliit lang ang sweldo ng tatay ko sa pagiging mekaniko at madalas ay wala siya sa aming bahay. lumipat kami sa lopez muli dahil kapisan kami ng lelang ko, at nadestino na ang tatay sa kalapit na bayan. lingguhan siya kung umuwi sa amin. nag-iisang babae si nanay kaya kapisan namin sina lelong at lelang. madalas ay tumutulong sila sa amin sa pang araw araw na gastusin sa bahay. may kaunti rin kasing lupang sinasaka na may tanim na palay at niyog ang mga matatanda.

malaki ang naging impluwensiya ng lelang ko sa amin, masyado siyang mahagasin at istrikta. madalas siyang nagagalit kapag nagkukulitan kaming magkakapatid. ayaw niyang nasa labas pa ng bahay kapag malapit ng dumilim sa hapon. ayaw din niya na palagi kaming namimintana ng matagal. magkaganoon man, masyado siyang over protective sa lahat ng bagay.

sa murang gulang ay naiisip ko na ang kakulangan namin sa maraming bagay. naging mahagasin na rin ako tulad ni lelang. sa tuwing malalaman ko na madadagdagan na naman kami ng kapatid, lihim akong naiinis kay nanay. sa paano’y hindi nga kami makapaglaro tulad ng ibang bata dahil kailangan naming alagaan ang aming mga maliliit na kapatid. labis akong naiinggit, habang binabantayan ang mga bunsong kapatid, habang nanonood sa paglalaro nila ng patintero (tubigan), taguan, luksong tinik at kung anu ano pa.

nagsimula akong mag-aral ng grade one sa paaralang pampubliko nang ako ay anim na taong gulang na. (hindi pa uso noon ang kinder o prep at wala rin namang private school noon). hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, lagi akong nasa section one hanggang makatapos ako ng hi school. sa loob ng anim na taon sa elementarya, labindalawang ribbon ang naikabit sa akin dahil palagi din akong nasa honor roll, dalawa kada taon. ang isang ribbon ay karangalan para sa paaralan namin at ang isa ay sa pangkalahatan, sa lahat ng paaralan sa buong bayan. marami kasing paaralan sa ibat ibang dako ng bayan, kasama na doon ang mga nasa baryo. eto ang isang biyaya ng Diyos sa aming pamilya dahil halos lahat kaming magkakapatid ay pawang ganito ng magtapos. mahusay din akong bumigkas ng tula noon, minana ko ito sa lola ko na ina ni tatay. bukod kasi sa husay niyang bumigkas ng tula ay kumakatha pa siya nito.

sa kabila ng mga karangalan at pagbigkas ng tula sa entablado, lagi akong under pressure. kailangan kong laging matalino, dahil nakakahiya sa kanilang lahat. ang alalahanin na baka hindi ako magkamit ng karangalan. dama ko na rin noon ang kakapusan namin sa maraming bagay, parang laging kulang ang baon kong dies sentimos o di kaya bente. nakikita ko kasi ang mga kaklase ko noon na maraming baon. ngunit pagdating sa pananamit, lagi kaming maayos dito. si nanay ay isang modista na paminsan minsan lang naman tumatanggap ng tahiin, ngunit pagdating sa amin, ah lagi niya kaming itinatahi buhat sa mga lumang damit ng irerepair niya na nanggaling naman sa aming tiyahin na nasa maynila o di kaya ay buhat sa mga salvage na bestida(ukay-ukay ngayon) na gagawin niyang parang bago. tuwing pasko lang kami naibibili ng bagong sapatos katerno ng bagong repair na damit. masaya na kami noon. naaalala ko pa noon, tuwing disyembre, tag-ulan sa amin, siyempre maputik at nanghihinayang ako na itapak sa putikan ang bago kong sapatos.

ang buhay sa hi school, ah isa ito sa exciting na bahagi ng nakaraan. kasama ko pa rin ang mga dati kong kaklase at nadagdagan pa ng mga galing sa karatig bayan. dito ko naranasan ang maraming una sa aking buhay. masaya ang mga karanasan sa puntong ito, iba iba na ang pinagkukwentuhan, lumalawak ang mga kaalaman. iba iba na ang mga teachers, hindi katulad ng elementary na isang taon isa lang. madalas ay naikukuwento  ng kapatid ko na mas bata sa akin, kung paano ako niligawan ng hindi iilang kababata ko sa amin. para akong bulaklak na lagi na lamang maraming paru parong aalialigid (he he) . at dito naman galit na galit ang aking nanay at lelang. madaming bawal. takot sila noon na ako ay maligawan, akala nila mag boboyfriend na agad ako. alam ko naman ang isa sa mga dahilan, panganay kasi ako sa babae, lalaki ang panganay namin. kailangan kong magtapos kasi tutulong ako sa pagpapaaral sa iba ko pang kapatid.

si kuya ang kapatid kong panganay, nais niyang mag engineer, mahilig siya sa electronics, sa mga butingtingin. pero nang matapos siya ng hi school hindi pwede, kasi hindi kaya nina nanay ang engineering. magteacher na lang daw kaya pumasok siya sa pnc sa maynila. nakitira siya sa makati, sa lola uding namin na kaisa isang kapatid ni lelang.

nang nasa fourth year na ako, hindi na ako tinanong o nagkaroon ng ambisyon sa ibang kurso maliban sa maging guro din. nang malapit ng magtapos, may isang grupo mula sa pnc na mag iinterview sa kung sino ang gustong maging guro at marami sa amin ang sumubok at isa na ako roon. siempre nakapasa naman ako at tuwang tuwa sina nanay. pagkatapos, lumuwas kami sa lucena para sa entrance exam.nakapasa rin ako. yoon ang dahilan kung bakit ako naging guro.

taong 1966, lumuwas na rin ako ng maynila para sa kolehiyo. ipinisan din ako sa makati. mabait sina lola uding kahit may pagkaistrikto si lolo tito, ang kanyang asawa. kailangan kaming makisama, gumising ng maaga at tumulong sa mga gawaing bahay. yaon ang una kong pagkahiwalay sa pamilya ko, at talaga namang lungkot na lungkot ako. sa simula, may mga gabing umiiyak ako sa gabi sa aking higaan. hindi ako nasanay matulog sa ibang bahay, kahit minsan hindi ako pinayagan nina lelang at nanay na mangibang bahay. dahil nga medyo hindi sapat ang pangangailangan naman, hirap na hirap ako sa pagbabadyet ng pera. naranasan ko pa ang diyes sentimos na pamasahe sa jeep, pagkaraan ng isang buwan naging kinse sentimos na ito. ang baon ko sa araw araw piso lamang. pinagkakasya ko na ito, nagbabaon na ako ng kanin at kung anong natirang ulam sa almusal. bumibili na lamang ako ng sopas sa kantina ng paaralan.

sa pnc, lalo kong naramdaman ang inferiority complex. galing palibhasa sa probinsiya, kaya kasama ako sa mga promdi. maging sa mga recitations o reporting sa harap ng klase, hiyang hiya ako. patuloy naman akong pinuputakti ng mga nanliligaw sa akin. mahigpit ang paalala ng nanay at lelang ko, huwag na huwag magkamaling maki pagboyfriend. marami akong karanasan tungkol dito, marahil sa ibang sanaysay ko ito isusulat.

nakatapos ng kolehiyo si kuya, kaagad siyang nakapagturo sa pio del pilar elementary school. nakapasa kasi siya sa competitive exam, may mga kakilala din na guro sina lola uding sa paaralang nabanggit. tuwang tuwa siyempre sina nanay dahil doon.

taong 1970 nang ako naman ang magtapos sa pagiging guro. noon ay inimbitahan kami ni lola uding na tumira na sa lumang bahay nila sa compound din sa makati. hindi nila kami pinabayad ng upa. malapit na rin kasing mag sipag aral ng college ang iba ko pang kapatid.  isang malaking trak ang inupahan namin na maghakot ng aming mga gamit. isa ito sa malaking pagbabago  sa aming buhay, ang lumipat kami ng tirahan, mula probinsiya papunta sa lunsod.

katulad ni kuya, nakapasa agad ako sa competitive exam ng taong iyon. nakuha ko ang pangalawang pwesto sa pinakamataas. una akong na assign sa bangkal 1 sa may evangelista. natatandaan ko pa ang principal ko noon ay si mr. atal. pagkaraan ng ilang buwan, sabay naman kaming nakapasa ni kuya sa board exam para sa mga guro. noon naging ganap na akong guro. ang buwanang suweldo noon ay mahigit na dalawang daang piso lamang.

magkatuwang kami ni kuya sa pagtulong kina nanay sa pag-papaaral sa iba naming kapatid, hanggang makapag asawa na siya at hindi na kami natulungan. si loty ang sumunod sa akin ay kumuha ng kursong custom administration sa PMI. si nestor ang sumunod ay electrical engineering sa National U. si mayet ay nursing sa lucena. si coy ay foreign service sa lyceum u. at ang bunso si junjun ay architecture sa ust. magkakatulong kaming magkakapatid sa pag papaaral sa kanila, sa tulong din ng maliit na sweldo ni tatay. paminsan minsan, nakakatanggap din ng tahiin si nanay, at noong nabubuhay pa si lelang nakatulong din sa amin. namatay si lelang ng taong 1970, nagsisimula na akong magturo noon.

masayang mahirap ang mga panahong yaon, ng pag aaral naming lahat. marami ring kwento, marami rin kaming nakapisan na mga pinsan, kaibigan, ibang kamag anak na nakitira rin sa makati. palaging maraming tao sa bahay, masarap balikan ang mga alaala. marami rin kaming pictures ukol dito.

sa kasalukuyan, matatanda na sina nanay at tatay, kapwa 83 taong gulang. nasa quezon sila ngayon at kasalukuyang nagpapagaling si nanay. may kani kaniya na kaming pamilya maliban sa dalawang lalaki. magkakalayo na rin ang aming mga bahay. tuwing pasko nagkikita kita pa rin kami o kung kaya ay may ibang okasyon.

si kuya noly, matapos magretire bilang guro ay naisipang muling magturo sa pio. ang asawa niya ay retired na guro rin. ang panganay nila si kit ay may asawa na rin at immigrant na sa canada. si cristine, ay nars, may asawa na rin at nasa america. si christian ang bunso, nag-aaral pa sa st. benilde.

si loty ay sekretarya ng may ari ng maraming negosyo sa greenhills. ang napangasawa niya ay taga lopez din, si caloy at nagtatrabaho sa antipolo. ang panganay nila si louie, nagtatrabaho sa supreme court at nagpapatuloy ng pag aaral tuwing weekend para maging abugado. si lawrence, second year college nursing.

mataas na ang katungkulan ni coy sa central bank, pero nagpunta pa rin silang mag anak sa canada. si ram ang asawa niya ay nakilala niya sa makati. isa na siyang proffesor sa isang kolehiyo sa canada. umalis sila noong july 2008. ang dalawa nilang anak, chinchin at josan ay kapwa mga high school pa lamang.

si nestor ay binata pa hanggang sa ngayon,  nagtatrabaho sa parehong kompanya ni lottie sa greenhills, bilang maintenance engineer doon. dito siya umuuwi sa cavite minsan sa isang linggo.

tanging si mayet, ang naiwan sa lopez, si marvin kasi na asawa niya ay doon naglalagi,(mabuti naman) dahil may napupuntahan kami doon kapag umuuwi. sa tagkawayan pa siya nagtatrabaho bilang nurse. ang dalawa nilang anak, si jillian at jeselle, kapwa nag aaral sa pup sa lopez.

si junjun ang pinakabunso ay nasa dubai, magtatatlong taon na. binata pa rin siya hanggang ngayon.

kami ni willy, pareho nang retirado. ang panganay naming si may ay isang pharmacist, at nagtatrabaho bilang medical transcriptionist. pareho sila ni jesse, ang kanyang mabait na asawa, na isa namang nurse na may ganoon ding trabaho. si joy,  na dalaga pa ngayon ay nasa singapore, nakadalawang taon na roon. si kaye ang bunso ay isang guro sa pre-elem, nagtuturo sa araw sa las pinas, at sa gabi ay nagpapart time din bilang med transcriptionist.

at siyempre ang joy of the family ay ang aming kaisa isang apo na si kiko. Raphael ang tunay niyang pangalan.  mahigit na siyang dalawang taong gulang. siya ang nagbibigay ng sigla sa aming lahat, makulit na kasi at matalino pa at higit sa lahat guwapo.

habang binabalikan ko ang mga pangyayari sa buhay namin, mas marami pang karanasan, kwento sa kabila ng mga taong nagdaan. sa bawat araw na lumipas may mga bagay na hindi ko maisatitik. kung iisa isahin ko kasi napakahaba na nitong sanaysay na ito. may masaya, may malungkot, may exciting, may boring, iba iba, sari sari.

sa kabila niyon, alam ko na kami ay nagtagumpay. masaya kaming nabubuhay ngayon. sa mga nagdaang panahon, ang Diyos ay palaging nakasubaybay hindi kami iniwanan. alam ko ang lahat ng naganap sa aming buhay ay sa tulong Niya. salamat sa Kanyang pagmamahal, salamat sa talino na ipinagkaloob sa aming lahat, salamat sa kalakasan na bigay din Niya. salamat sa lahat ng taong ipinadala Niya sa aming lahat upang kami ay gabayan at tulungan.  salamat sa LAHAT LAHAT. sa huli, sa Kanya ang kapurihan at kaluwalhatian! nawa’y patuloy Niya kaming gabayan hanggang sa huling sandali ng aming mga buhay.!

Monday, March 9, 2009

writing is a gift of grace

i am reading another book by Grace Chong entitled Gifts of Grace. it is a very nice book about people from all walks of life. i enjoyed reading it, and i’m on the 2nd book now. how it came about? one day at national book store, i was browsing on inspirational books, a man came with a staff from the store saying, ang author nito si Grace Chong, laging pumupunta rito, tagarito siya sa las pinas. i got curious and bought one. after finished reading the book overnight, i emailed her (the email ad at the book). and she answered me. i was touched, since then up to now she answers my emails, giving me tips on how to write. her blogs were also interesting pieces to read. she inspires me a lot. i know God led me to her and i praise Him for that.

one of her blogs Should Grandmas Blog? made me smile. t’was  my faintest idea to write on blogs, though i am fond of writing my experiences and others too, in notebooks, in scratch papers, on anything i can hold on to since i was in hi school. my daughters and son in law kept prodding me to blog.

when i first got hold of a computer, i thought it was difficult. at my age now (senior citizen this year) medyo mahirap matuto. in the beginning, i had to write instructions in my notebook; how to open, how to go to google, how to write sa word, sa email, etc.

now i’m still learning, but i am enjoying it. one of the exciting time of the day is to be in front of my laptop.

Friday, March 6, 2009

on taking a bath. (wala lang)

katatapos ko pa lang maligo, napadaan si may habang binubuksan ko ang pinto. “bango naman ni mommy”. lihim akong nangingiti, paano’y naalala ko na naman noong aking kabataan. (ito ang isang okay sa may blog, kapag may naalala ka noong lumipas na panahon, pwede mo na lang isulat at hindi ka na magmumukhang sirang plaka. paulit ulit ko na lang babasahin at mangingiti na ako.

noon hindi pa uso ang shampoo, o kung uso man, madalang kaming gumamit dahil hindi kasama sa badyet. sabong pampaligo na may iisang brand lang ang gagamitin naming magkakapatid, yaon na rin ang para sa buhok. pagkatapos maligo, kailangang bitbit mo ang sabon na nakalagay sa tabo. ang banyo kasi ay malapit sa poso at kailangan mo pang maglakad sa putikan patungo sa kabahayan. kapag malamig ang panahon at namumuti ang mga binti at braso, dadampi ng konting langis ng niog na ginagamit sa pagluluto upang mawala ang ‘kagos’. okay na yon.

noong bago pa lamang akong guro at nakakadalaw ako sa bahay ng mga kapwa ko guro, nakikita ko ang ilan sa kanilang banyo na maraming display na sabon at shampoo at mangha na ako roon.

kanina habang naliligo ako, matapos kong ishampoo ang buhok ko, naglalagay ako ng conditioner o di kaya ay magho hotoil ako. iba ang sabon para sa mukha, at may scrub para sa katawan. iba pa rin ang pang “feminine hygiene” ika nga. mayroon pa ring foot scrub para sa paa. iba iba ang brand ng shampoo, conditioner at sabon naming mag anak, depende sa type mo.

pagkatapos maligo, may toner, may pampaputi para sa mukha, may anti-aging cream pa kuno.may lotion para sa katawan, bukod pa ang pabango. at huwag ka, ang pabango at lotion, iba iba ang brand, depende kung ano ang gusto mong scent sa oras na iyon.

wala lang, hindi naman ako kagandahan, ang point ko lamang dito, na eenjoy ko na ang mga bagay na hindi ko na enjoy noon. oh di ba bongga. he he

 
Designed by Lena Graphics by Elie Lash