Friday, February 27, 2009

an exciting day

yesterday was an exciting day for me. i was out the whole day alone, i mean not with my husband or daughters with me. sometimes it excites me to go out alone, though in old days i was in the company of my best friend who is now departed. (i’ll write a separate blog on her)

had an early lunch, dressed up (got a new pair of sandals i bought on sale the day before, wore tights for the first time with a long blouse to match, excited na ako noon).

sale sa southmall(sm), naglakad lakad, looking at some bargain items na hindi ko naman binili. i did buy something pala, a brown leather wallet to match my new sandals and native bag, and another new book at national. after an hour or two, got tired of walking, on to fast food and ate french fries with bottled water. am getting conscious of what to eat these days at fast foods; afraid of fats and calories and sugar.

rode a jeep to alabang and then bus to greenhills. i had a date with lottie. she texted me okay lang na maaga ako, wala ang boss niya so we can watched sarah and john llyd movie first at promenade.  had our snacks at won ton with nestor. (t’was a friday and i ordered shrimp noodles and another shrimp dumplings). i couldn’t remember the last time i saw a movie, so another added excitement for me. saka promenade ito, a place where the well to dos watch movies and go to.

then at 8:30, went to music museum to watch the concert of victor wood, jun polistico and anthony castelo. (he he that’s one reason na wala akong kasama, ayaw nila ng concert, for senior citizens lang daw to). we had a good view of the stage, thanks to jenny who reserved seats for us. true enough, looking at the audience, most of them are oldies, some with alalays, drivers and other companions to accompany them.

lottie and i enjoyed the show, everytime an old song was sung, we couldn’t help but smile with each other, with matching applause as all the others in the audience did. the songs they sang, dance movements they did, the jokes they had, stories during their times, our times. t’was a nostalgic moment especially for me. i remembered the good old days, i remember miya, a relative and our househelp who was an avid fan many many years ago. i told my folks when i arrived at 1 am, sulit.

again, every time i experience such things as above, as i think of the past, i am very thankful to the Lord for all the fun and laughter, for the enjoyment i am enjoying now at this time of my life.  i praise Him for everything!!!!

Thursday, February 26, 2009

mga kwento ng buhay

isa sa pinagkakalibangan ko sa mga araw na ito (maliban sa psp, he he) ay ang pagbabasa ng mga aklat sa wikang pilipino. paborito ko ng puntahan sa national book store ang bahagi na kung saan naroon ang mga aklat na akda ng mga pilipino authors.

dati hindi mo ako mapapabili ng aklat, lahat yata ng nabasa ko ng aklat ay pawang bigay o di kaya’y binili ng mga anak namin. ngayon, nakakatatlo na akong bili na kaya kong tapusin ang isang aklat sa buong magdamag. minsan nga kahit nag-papatulog ako ng apo ko, sinasabayan ko ng basa ng aklat.

katatapos ko lang basahin ang aklat ni gng.genoveva edroza matute. (walo at kalahating dekada ng isang buhay) aliw na aliw ako sa pagbabasa nito. malinaw niyang nailarawan ang buhay niya mula ng siya ay bata hanggang sa kasalukuyan. isa siyang guro na naabutan ko pa sa pnu noong ako ay college doon. ang mga aklat na akda niya ay napag-aralan namin noong kami ay hi school sa probinsiya. at nabasa ko ang mga kwento niya sa liwayway at bulaklak noong araw.

noon pang bata ako, kapag nagbabasa ako ng mga kwento sa mga babasahin, nais ko ring magsulat, pero parang di ko kaya. tila nagkakaroon ako ng inspirasyon ngayon na sumulat. gagayahin ko si gng. matute, susubukan kong isulat ang buhay ko.

pero siempre hindi ko ilalagay sa blog, sa akin na lang yon. wala naman sigurong magtitiyagang magbasa noon kundi ako lang ano.

Tuesday, February 24, 2009

on being diabetic

katatapos ko lang magjogging sa kalye malapit sa aming bahay. mag-dadalawang linggo ko na itong ginagawa dahil sa udyok ni willy. alam kong malaki ang nagagawa nito sa pagbaba ng aking blood sugar.

five years ago, sinabi ng doktor na mayroon daw akong diabetes (namana ko ito sa side ni nanay, ang lelong ko ay mayroon daw nito). nang una ko itong malaman takot ang namayani sa akin, ang dami kasing balita na ang ikinamamatay ay diabetes. hindi iilang doktor ang kinunsultuhan ko tungkol dito. mula noon, hanggang ngayon, araw araw akong umiinom ng gamot para dito.

dati, kailangan kong magpa laboratory minsan sa isang buwan upang malaman ang blood sugar ko kung normal ba.madalas sa hindi mataas ito at magpapanic na naman ako at iinom ng gamot at magdidyeta na naman. tapos babalik na naman ako sa dati. hindi biro ang nagagastos ko sa pagbili ng gamot, dito na halos nauuwi ang allowance na padala ng anak ko. minsan nga hindi na ako umiinom.

ngayon, hindi ko na kailangang magpunta sa clinik o hospital para mag pacheck, may sarili na akong pang check ng dugo, salamat muli sa mga anak ko. si may kasi ang nagsuggest kay joy na ibili ako, kaya ito ang pasalubong niya noong dumating siya mula singapore. gumawa na rin ako ng menu na dapat kong kainin araw araw. mayroon na rin akong notebook na kung saan ay inililista ko ang resulta ng blood test. at iyon ay lagi ng normal. salamat sa Dios! of course higit sa lahat, malaki ang nagagawa ng pagdarasal, isa ito sa lagi kong hinihiling sa Kanya.

(madami akong nais iblog, hindi ko maisulat, nasa isip ko lahat. mas madaling sumulat sa pilipino he he. kaya paminsan minsan sa pilipino ko ito isusulat.)

Friday, February 13, 2009

my first blog ..again

I praise and thank you Lord for giving me a chance to express myself through this laptop. I have wished for this and you granted it

Allow me to share with others my thoughts, my experiences.  Let me write on how You touched my life, our lives, how you work  wonders  on us. Bless me with Your wisdom, so I can be also a blessing to others.

All these i offer to You and i ask in Jesus name! Amen.

Saturday, February 7, 2009

 
Designed by Lena Graphics by Elie Lash