Linggo, nagtiangge muna kami ni Willy, tapos sumimba sa hapon. Nakakainip sa buong maghapon, unang araw pa lamang, gusto ko nang umuwi. Walang tv, walang radyo. Buti na lang at mayroon ako nitong iPad , games at movies na down load ni Joy. Miss namin ang Facebook , wala kasi ng internet siempre. Ang dalawang oldies, pasyal na sa sementeryo upang dalawin si Nanay at si daddy Wil. Isa ito sa dahilan kung bakit gusto nilang umuwi. Alas siete ng gabi, tapos na kaming maghapunan, handa ng matulog. Malamig ang simoy ng hangin dito, para kaming nasa Baguio, at paminsanminsan umuulan. Taliwas sa klima sa Cavite.
Pang-apat na araw na namin ngayon, sa Huwebes pa sana ang balik naman, pero napagpasiyahan namin na umuwi na bukas. Marahil naman ay okay na ang pagbabakasyon ng aming mga magulang.
Pagkatapos ng paglalakad sa Lopez High kaninang umaga, tumuloy kami sa Elementary school, tapos dumaan kay Tatay sa Calle Anda. Martes ngayon at tiangge, kayat namili kami ni Willy ng mga gulay at halamang pantanim sa palengke. Isa ito sa nakagawian namin, ang mamili sa tiangge. May kamurahan ang mga bilihin. Bukas ng maaga, mamimili naman ako ng Isda at karne, ilalagay sa cooler na maraming yelo.
Maaga pa lamang lumakad na ako upang mamalengke, habang si Wiily ay naggagayak ng mga dadalhin. Daing na kalaso, bukawin, tinapang galunggong at dilis, sariwang matalos, hi was, bukawin, talimago, hipong katamtaman ang laki, at iba pang Isda na doon ko lang madalas mabili sa Lopez. Dumaan din ako para bumili ng paboritong tikoy ni kiko at sumang malagkit.
Mag alas nueve na ng umalis kami. Dumaan sa isang karinderia sa atimonan para magmeryenda ng chami at miki bihon at ang Suman na dala namin.
Sira ang ibang bahagi ng daan, maraming inaayos, nkatuwaan naming bilangin ang mga nag one way, na may karatulang This Way, sa maniwala kayo at hindi, 54 lahat.
Siempre hinto rin kami sa Villamater sa Sariaya para naman sa mga pasalubong. Longganisang lukban, polvoron, pan de coco, shing a ling, uraro, mani at jacobina.
Nakakapagod ang maghapong biyahe, pero masaya naman, siempre mas masaya ang mga kasama naming super seniors, kami ni willy medyo junior senior he he he. Inihatid na muna namin sila sa kani kanilang bahay bago kami umuwi sa cerritos.
No comments:
Post a Comment