Anyway, what i will be writing about is on my birthday. Madaling araw pa lamang nang magising ako sa maagang bati ng mga anak ko, mga kaibigan, mga kasamahan sa parish, kaeskwela at mga kamag anak. Sa maghapong ito ang mga bati ay sa facebook, wattspp, email, tawag sa phone. Naging busy ako sa pagsagot sa bawat isa sa kanila. Sabi nga ni willy, international, kasi marami ding kaibigan at kamag anak mula sa ibang bansa. Nagisnan ko din na nagpapatugtog na si willy na long playing na puro happy bday songs sa cd.
Lunch time was a surprise with May and Jesse and Kiko with lots of food and a gift of a transistor radio with cd player na gustong gusto kong bilhin.
Masayang masaya ako siempre, kakaibang ligaya ang nadarama kapag sa bawat mensahe na natatanggap ko ay alam kong ang Diyos ay nasa piling ko, naming lahat na nakikiisa sa aking kaarawan.
Muli ay nais kong balikan ang maraming kaarawan sa buhay ko. iba iba may masaya, may lungkot, may mga pag alala, at kung anu ano pang emosyon na kalakip nito.
Simula pagkabata, hindi na uso sa amin ang magdiwang ng kaarawan, idadaos lang ito sa pagsimba sa umaga, walang bagong damit o sapatos at minsan ni pansit eh wala. Nang magdalaga ako madalas akong naiimbita sa mga birthday parties, pero ako hindi nagdaraos nito, kasi nga hindi ito nabigyan ng halaga at bukod dito wala naman kaming sapat na pambili ng panghanda. Hindi naman kasi ako naghahanap o nalulungkot, wala lang. Hindi ko rin naranasan ang magdebu, pero siempre hanga ako sa mga nagdedebu noon.
Kahit noong may pamilya na kami at bday ko, guro na ako noon, gusto kong magtago kapag bday ko na. ewan ko ba at parang mas nalulungkot pa ako kapag bday ko.
Nang nasali na kami sa community, sa simula waring nagtataka pa ako sa wari ay pagkasayasaya nila sa tuwing tinatawag ang pangalan habang inaawitan at nagbebeso beso sa bawat isa.
Ngayon alam ko na kung bakit kailangang ipagdiwang ang kaarawan. Ito ay isang paalala ng pagmamahal ng Diyos sa bawat nilikha Niya. Masayang may mga regalo, at bati at mga bagong damit at sapatos, ngunit higit na masaya ang alam mo na ang buhay ay regalo ng Diyos sa atin. Ang mga taong nagmamahal ay kasama sa dapat magpaligaya na sila ay nandiyan at ibinigay ng Diyos na kapiling mo.

No comments:
Post a Comment