Nakagawian ko nang maglakad tuwing umaga sa palibot ng village na malapit sa aming bahay, ito ay bilin ng doktor, pampababa daw ng blood sugar ko. Madalang pa ang nakatira sa bagong subdivision, bagaman at may ilan na ring itinatayong bahay. Kami yata ang pinakaunang lumipat, dalawang taon na ang nakararaan mula noon. Mayo 17, 2010 kami lumipat.
Makalipas ang anim na buwan, may nakita akong bagong lipat sa pangwalong bahay mula sa amin, napadaan ako doon at ngumiti sa akin ang isang halos kasing edad kong babae at nagpakilala na si Mely nga daw siya. Yaon ang simula ng aming pagiging magkaibigan. We have many things in common ika nga, pareho kaming taga quezon, retired teacher, senior citizen, may anak na dalaga sa singapore.
Madalas kami nagkukuwentuhan, minsan habang naglalakad, minsan sa bahay nila o kaya sa bahay namin.
Ang topic namin, sari sari, lahat na yata napagkwentuhan namin, ang mga nakaraan noong aming kabataan, kung paano kami niligawan, ang mga kaganapan noong mga guro pa kami, ang mga pangkasalukuyan.
Madalas niyang ikukuwento ang kanyang mga anak, kung paano niya ito naitaguyod sa pag aaral. Minsan pati mga telenovela yata topic na namin.
Si Mely mas palakaibigan kesa sa akin. Mas marami siyang kilala sa aming subdivision. Alam niya kung sinu sino ang mga bagong lipat, kung sino ang nagpapaextend ng bahay, kung taga saan sila at kung anuano pa. Pati nga mga security guard at mga karpintero kinakausap din niya.
Meron din siyang katangian na marunong makinig, pag kailangan ko ng kausap, pag naiinip ako sa aking pag iisa sa bahay, pagmay problema na kailangang ihinga, nakikinig siya sa akin.
Isang madaling araw, nagising kami sa tawagni Emu, asawa ni Mely, emergency daw, isusugod sa ospital si Mely, umuungol siya sa kama. Si Willy at ilan pang kapitbahay ang nagdala sa kanya sa ospital. Sa kasamaang palad, hindi na siya umabot ng buhay, matinding atake sa puso at noon din ay binawian na siya ng buhay. Marami ang nagulat sa bilis ng pangyayari. Paano'y hindi naman siya nag ingat sa sarili. Alam niya na may diabetes siya kaya unti unting nanlalabo ang paningin, ngunit hindi siya nagpapatingin sa doktor.
Ngayon mamimiss kita kaibigan. Wala na akong kajogging sa umaga, wala na ring makakwentuhan. Napakaiksing panahon ngunit tumatak ka sa aking isipan. Paalam Mely, saan ka man naroon sanay masaya ka sa piling ng Poong Maykapal.
Wednesday, February 6, 2013
Tribute to a friend
Subscribe to:
Posts (Atom)