matagal tagal na rin akong hindi nakapagsulat ng blog. ang dalawang na publish ko ngayon, noon ko pa iyon ginawa maraming linggo na ang nakaraan sa lopez.
masyado kaming naging busy nitong mga nakaraang linggo. ang pag uwi sa probinsiya noong semana santa, ang pagdalaw sa nanay naming nagpapagaling, ang pagsisimula ng formation bec 7 tuwing miyerkoles, ang pagkawili namin sa pagtatayo ng garden sa gilid ng bahay at kung anu ano pa.
nagbakasyon din si joy ng isang linggo upang dumalo sa kasal ng isang kaibigan. nakaalis na siya noong lunes (april 27) at kasama na niya si kaye upang doon naman magturo sa singapore. siyempre naiwan muna ang aming apo si kiko at lalo kaming magiging busy sa pag aalaga sa kanya.
masayang malungkot ang mga eksena sa airport at ang pag uwi sa bahay na wala ang mama ni kiko. siempre nasanay ba naman kami na magkakasama sa bahay tapos biglang umalis na rin si kaye.
sa lahat ng ito hindi naman kami nagsisisi, excited nga kami sa araw araw na pangyayari. wala kaming hinangad na hindi muna ipinanalangin sa Diyos. isa ito sa hiningi namin at ipinagkaloob Niya.